Naloka Ako Nitong Nakaraang Labor Day Weekend
Posted on September 8th, 2009 @ 9:52 pm

Uber kaloka talaga nitong Labor Day ha. As in, tamang roller coaster ride kamo ang nangyari samen. Pero bago ang lahat gusto ko lamang isiwalat ang aking pagkadismaya. Hay, laglag na ang papalicious kong si Andy Roddick sa US Open. Kakainis! Kabulok! Pero wiz, poging din naman na kano ang nakatalo sa kanya so no complain na nga ako. Sayang lang kse dahil kung maibenta ko sya blog ko tapos Luz Valdez ever lang ang lolo mo. Inasar pa nga ako ni mister kse talo naman daw pala etong si tisoy. I bet you, dahil un talaga sa swangit niang jowa, muka talagang mashonda na. Basta, bad luck ba! Haha! Bitter Ocampo ang drama ko today kaya tama na ang pang-ookray.

b_0905_roddick3

Saturday afternoon, dinala ko ang 2 bata sa Toys ‘R Us dahil kailangan naming bumili ng pangregalo para sa dalawang birthday parties na aattendan namin. Aba jusko ha, pag magreregalo ka these days, kahiya kung less than 20 bucks ang ibibigay mo. So un, inabot kami ng isang oras kakapili kung anu ba ang ibibayga. Susmaryosep! Sangkaterbang laruan na pala ang out in the market today no?! Aba, e halos naikot na namin ung buong tindahan e wah pa din kaming mapili sa dami. Not to mention na ung bibigyan ng regalo e sobrang dami ng laruan. Na-tempt naman akong magbigay ng gift card na lang. Kaya lang, pang last resort ko na talaga un. Buti na lang at kahit papanu e alam ng junakis ko ang mga laruan nung boylet at naipili nia ng maganda. Hay, kalokah talaga! At eto pa, ako etong walang kaplanu-planong bumili ng kahit ano e napahada na sa lintek na Bop-it na yan. Na-miss ko kaseng laruin. Yun, nag-feeling bata na naman ako at kinarir ko ang paglalaro, hanggang sa pagbiyahe at bago matulog e nagbo-bop it ako. Kaadik! Per say mo, expert level na ako. Wagi!

bopit

Sunday naman, go kami sa Alaska State Fair with the kids and our friend, Yna & Joe. Mabuti na lang at di masyadong trapik papunta dun kse sabi nung isa pa naming friend e halos one hour daw naghintay bago makadating sa fair grounds at bukod pa ung almost 1 hr na byahe. Jusko, hindi na ako sanay sa trapik ha! Di ko tuloy maimagine pag uwi ko sa Pinas sa December kung ganu katagal na trapik ang aabutin namin sa SLEX. Purwisyu talaga! Heniweys, pagdating namin sa fair, face painting agad ang pinuntirya namin. Tpos lakad-lakad at yun, napagod, lafang na agad ang kasunod. E kse naman, ang init ha! Dagdagan mo pa ng junakis na saksakan ng kulit at ang ibig lage e magpabuhat. Kung di naman magtagaktakan talaga ang mga mantika mo sa katawan at magutom, ewan ko lang?! After lafang, may-i go na kami sa mga games at rides. Tapos lakad dito, lakad doon. Daig pa nga namin ang nag-alay lakad sa daming nilakad. Haha! Redundant na ba, sa daming lakad?! Mga nakaapat na oras din kami dun. Sobrang napagod talaga ako. Upload ko na lang sa facebook account ko ung mga fekachurs, check nio na lang dun.

Kinabukasan naman, ung 2 parties ang inintindi namin. Ung unang swimming party (again, some pics at my facebook acct). Jusko, talagang napilitan pa akong bumili ng shorts kse bawal ang di nakaswimming attire dun sa place na pinagdausan ng party. E wiz pa naman akong bathing suit, kaya un tamang black tank top ang suot ko at ung shorts nga. As usual, pagod na naman ako after the party. As in paguwi namin ng bahay, plakda sa kama. Tapos gising ng bandang 6pm dahil dun sa isang party pa ulet. This time, sa Bouncing Bears (click on the link para makita nio) naman. Nakakatuwa sa place na un kase talon lang ng talon. I specially like ung Jumping Pillow dahil enjoy talaga. Ultimo asawa ko, nakitalon na din. Hassle lang kse kailangan pala nakamejas e kami ni hubby parehong walang socks, nagastusan pa tuloy ng pambili ng mejas. Pero all in all, masaya naman. Sabi ko nga, babalik kami dun e.

At ang highlight ng weekend na ito? See the previous post. YUN NA!


Comments
Rants


Things you can do when you’re sick
Posted on September 4th, 2009 @ 12:56 am

Dahil 2 days na akong di nakakapasok because of Liam (and then, me) being sick, I found the time to do the things that I haven’t really been doing because of my busy sched. Halllerr?! Werq’n mom in the house! haha.

1) Catch up with my soaps. Ilang episode na din ng The Wedding ang naka-record sa DVR namin na hindi ko pa napapanood. Naiinis na kase ako sa story. Freakin’ Candice cannot decide kung cno ba talaga ang gusto nia and then when she decided, naku, hinay-blood ako! Paka-gaga dun kay Warreng lintek kesa piliin ang ever-gorgeous at ultra-yummy’ng c Marlon. Ok, fine! I’m biased. E anung gagawin ko? Mas kakakilig kaya sila ni Marlon. So yeah, I heard tomorrow is the last day kaya we’ll see.

2) Appreciate my humidifier. Super naappreciate ko talaga ang humidifier namin. Kapag kase ganitong nagkakasakit ako at ang mga bata, kahit ang mister ko, basta may humidifier kami sa room e mas napapagaan ang pakiramdam. Minsan kse sobrang dry ng hangin kaya lalong di makahinga so mabuti n lang at may nakaimbento nito. Kaya sa winter, araw-araw na naman tong bukas. Me sakit kami o wala. It just makes our breathing much better.

3) Sleep for a long period of time. Ayyyy! feeling ko talaga ako si Sleeping Beauty khit tatahol tahol ako dahil sa ubo at sisinghot singhot dahil sa sipon. I mean, nakatulog ako ng mahaba-haba for the first time, in so long. Most of the time kse late na akong natutulog sa gabi tpos gigising ng maaga dahil I start my day at 7am. Pag weekend naman, once gising na si Liam, kailangan gumising na din kami. Kaya naman rested na rested ako although iba pa din kung wala akong sakit no?!

4) _____________________________

5) _____________________________

Ay, anu ba yan?! Wala na akong maisip. Basta, un lang naman kase ang nagawa ko talaga in 2 days. Oh, and not EAT (a lot, haha)! Shocks! Ilang pounds kaya ang na-lose ko?! Feeling ko ang payat ko na. Hahaha! Yeah, right?!

Before I forget pala, the last post about the US Open, may mali ata akong info about one of the players. Ung #1 seeded sa female na si Safina, di pala siya from Aussie. Neighbor ko lang pala ang lola nio, from Russia. Sorry naman po, tao lang.. As if any of you cares, right?! E ni hindi nio nga ata alam na mali pala yun.. Hahaha! So, un, I stand corrected my dear readers.

Speaking of US Open, the horizon is looking good for my A-Rod. I saw his last game the other day and he won! Buti na lang di ko nakita sa player’s box ang kanyang swangit na wifey. Hay naku, affected talaga ako nung magbreak sila noon ni Mandy Moore. Feeling ko kse ako si Mandy Moore. Haha! Jowk. Tapos the next na naging GF nia as far as I know e ito nga jowa nia na ngaun. Hmmmp! Heniweys, I saw Federer play the other night too. As usual, panalo. Like i said, wala ng bago. Sana sila ulet ni Roddick ang magkita sa Finals.

O sya, sya! Baka kau’y nababato na sa walang kwentang post na ito. Sa susunod, pwamis! Mejo exciting na ulet. Basta keep on coming back. Tatahhh!


Comments
Rants


Page 9 of 10« First...678910