Quick Update: Gym Time!Posted on April 13th, 2010 @ 8:36 am
So eto na naman ako, trying my way back to the gym. This would be my 1st attempt this year so hopefully e magwork. Sana makaya ko na to at tuloy tuloy na talaga.

I have a gym buddy now, Tita Caths. And we go as early as 530 in the morning. So far ok naman. Ang problema e nasa gym kase sira ung water heater nila. So this morning, I was only able to do 25-mins at the treadmill, walking. Di na ako nakapagexercise sa ibang equipment coz I have to run back home para makapagshower. Hopefully e magawa na ung water heater nila para naman madaming time to do a lot of things.
Tomorrow, we plan on going there earlier, around 5 siguro. Para mahaba-haba ang oras to do the equipments and then go back home. Buti na lang malapit lang sa bahay ung gym, 5-10 min drive.
So yun! I’ll try to update again. Ung mejo mahaba-haba. I just need to catch up on work dahil mejo dumadami na naman siya.
Comments
Life · Random
Ang Latest…Posted on March 23rd, 2010 @ 8:45 am
I’ve been out from work almost the entire week last week dahil nagkasakit si Liam ko pati na din si mister. Hindi ko naman maiwan lang sa lola ko dahil hindi nia kakayanin lalo at super cranky si Liam pag may sakit. In the end, parehong nagpositive ang dalawa, isama mo na si Gabie for strep. Sabi ng sis-in-law ko, ang strep daw is more likely known sa Pinas as tonsillitis. Usual symptoms e ang pamamaga ng lalamunan tpos pag lumala e sasamahan ng lagnat at pananakit ng katawan. Un ang nakuha ni mister. Si Liam naman, he started off with a slight fever na on and off tpos nagsimula na ding umobo.
The moment na nalaman kong positive nga sa strep si Mhark, I immediately brougth the kids to their pedia. Si Liam binigyan ng shot para isang turok na lang and it should take care of it. Si Gabie natakot so she ended up taking meds. Both were antibiotics.
So sana, in a few days e maging ok na sila. Hubby will be back to work today. Di din nakapasok ng buong linggo. Poor baby!
—
In other news, eto pedeng pang The Buzz to.. Sobrang tindi! I don’t know how many of you guys are following me on twitter but I did post the story on one of my tweets last week. Tungkol ito sa isang kasama ko sa trabaho na nahuling nagnakaw ng kulang kulang sa 3/4 of a million dollars! YES! You heard it right! It’s estimated at around $724,000! At ang mas masama nian, Pilipino pa sya. Kahiya-hiyang tunay! You can read the news here and here. Jusko! Talagang nagulat ako.
To tell you honestly, hindi sya gusto ng marami dito sa amin. Aside from mejo suplada ang image, ayaw din niang maassociate as Pinoy. Pag tinatanong sya kung Pilipino sya, ang isasagot e oo pero mas preferred daw nia na Pacific Islander sya. Para hindi daw nagegeneralize. Hindi din sya kagaya ng ibang pinoy na mahilig makisalimuha sa kapwa pinoy. At higit sa lahat, ayaw niang magsalita ng tagalog! As in, she prefers not to! Alam kong maalam sya, dahil pag kinakausap ko minsan ng tagalog, napipilitan sya. Pero most of the time, laging ingles. Mas tipo nia ang mga african-american at ibang lahi kesa sa sarili niang lahi. Minsan din, inalok sya ng boss kong pinay na kumain sa isang pilipino resto dito dahil kakadating lang nia dito sa Anchorage, hala at kesyo hindi daw sya mahilig sa pinoy foods! Meron pala nun? Pinoy na hindi mahilig sa Pinoy foods. Kaya mula noon, nawalan talaga ng gana ang boss ko sa kanya.
Anyway, ng lumabas ang balita nung Friday, ang daming nadisappoint at nagalit sa division namin. Kung binasa nio ang mga comments ng mga tao dun sa link ng news sa taas, makikita niong halos lahat, walang magandang sinabi. But who would really do that? Tapos by Friday midnight, na-update ung news at inamin na nga nia ang ginawa nia.
I can’t help but think of her kids. She’s got 3 or 4 I think. Naawa ako dahil sila ang magsa-suffer ng malaki dahil sa ginawa ng magulang nila. And yes, I’m thinking the husband knew about it. Jeez! It’s been going on for 5 years! At wala syang trabaho?! How the heck will they be able to afford all that? Nakakawa ang mga bata dahil araw-araw, papasok sila sa school and all the other kids can think of e magnanakaw ang nanay nila. Last I heard is that, investigation is still on going. Baka daw kase may iba pang involved like ung asawa nga at ung relatives. Tsaka baka daw may mga properties pang kailangang i-seize.
Hay, sana lang eventually e maging ayus ang mga bata. And as for her, I’m sure mahaba-haba pa ang panahon nia sa kulungan. Sana pagsisihan nia ang kasalanan nia. At sana paglabas nia e maayus pa nia ang buhay nia.
—
Next up: I have photos to share about Gabie’s art! Kaya wala dito sa ofc computer ang files so sa bahay ko na lang gagawin.
Till that entry is posted! Tatah!
Comments
Family · Life · Office · Twitter