Pulitika sa ‘Pinas
Posted on February 11th, 2010 @ 9:33 am

Hala, eleksyon na naman…

Ay! Knows nio ba na nung Monday, Feb 8 e officially nagstart na ang 90-day campaign period sa Pilipinas? With that note, napanood ko sa TV Patrol ang sari-saring kashungahan ng mga kandidato at kung anik anik na mga pakana para makakuha ng boto. OH MY GULAY! Nakakalokah sila!

Unahin natin tong mga tatakbong President. Oh, alam nio ba si Erap tatakbo ulet? I’m sure hindi na kayo magdadalwang isip na wag syang iboto. Susmaryosep naman, maawa kayo sa mga kababayan natin. Pag may history na ng pangungurakot, dapat wa na sya sa listahan ng pagpipilian nio. Eto namang si bilyonaryong Villar, hala, at lumangoy sa basura. Patawa ang jingle nia ha. Pero in fairness, nakaka-LSS. Ang panget lang! At take note, binayaran daw lumalagapak na 20M pesoseses si Sarah to endorse him. Nanjan pa si Wowowillie. Chaka! Tamaaa!

Ayus sana tong si Gibo. In fairness, matalino talaga sya. Magaling magsalita at alam ang mga national issues.  Ang bawas pogi points lang nia e nasa partido ng administrasyon sya at ang bise e si Mr. Game KNB?! Nakakatawang nakakainis ung mga tao, particularly, mga babaeng nakita ko sa tv na kinikilig dahil nahawakan ang kamay ni Edu. Hala.. Isa pang chakaaa!

Then there’s NoyNoy. Maraming nagsasabi ng hindi pa sya hinog at parang wala naman talaga syang nagagawa at napapatunayan pa. Ang plus nia, nanay at tatay nia ay bayani ang tingin ng lahat at isang kapatid na artista. In reality, may ibubuga nga ba sya? At take note, ang political ad: “Hindi po ako magnanakaw”. Uyyy.. may bitterness! Sinong pinariringgan mo ha?! 

Si Gordon tumatakbo din. Salamat at may Subic kung hindi, sino nga ba sya?  O baka ako lang ang di aware. Si Jamby Madrigal gusto din maging presidente. Ang tanong, bakettt?! Susmarya! And then theres, the joke  of the town na si Bro. Eddie Villanueva ba un? Ay ewan. Ang masasabi ko lang, ipagdadasal ko na lang sya. “Lord, naway paglinawin nio ang isip ng taong ito dahil hindi nia nalalaman ang kanyang ginagawa.” Oh, wageee! Nakakatawa din ang mga pasaringan at patutsadahang ginagawa ng mga politikong ito. Kung magsalita akala mo lahat sila e malilinis.

But kidding aside, this is an important matter. Each and every vote is very important. Kung talagang gusto ng Pilipinas ng pagbabago, it has to start by making a choice and standing by it. I mean, pag-isipang mabuti kung sino ba talaga ang karapat dapat. Wag magpadala sa mga star power at sa ganda ng pagsasalita. At siguraduhing susuportahan ang ibinoto kung sakaling manalo. Ang nangyayari kse minsan, hindi lang makakita ng agarang pagbabago e katakot takot na batikos na ang inaabot. Bigyan dapat sila ng pagkakataong ipakita ang kung anung kaya nilang gawin. At lagi nating tandaan:

Change does not happen over night and it cannot be done by just one person. Kailangan simulan natin sa sarili  ang pagbabago. Hindi natin pedeng iasa lahat sa mga namumuno ng bayan. Sabi nga ni Gandhi, “Be the change you want to see in the world.” Kaya pa naman e. Sayang ang demokrasyang nakamtan natin noon kung patuloy nating pababayaang mapunta sa wala.

So, exercise the right to vote and do it wisely!

Patriotism · Philippines

Post a Comment

Spam Protection by WP-SpamFree