Love at first shoe
Posted on August 21st, 2009 @ 11:21 pm

Kung may fag-ebeg para sa sapatos, INLAB na INLAB na ako ngaun! Eto si “Nadia”. Galing sya sa mundo ng Juicy Couture. Ang ganda nia no? Parang bagay kami. Anu sa tingin mo? Kaya lang, di sya afford ng ang aking pocketeers. Aba’y tumataginting na $295 ang hitad! Achooli, kaya naman. Pero, hindi kayang sikmurain ng aking malaking tyan ang ganitong kamahal na sapatos. Hanggang $200 lang ang limit ko e. Kaya sa ngaun, hanggang palipad-hangin na lang muna ang kaya kong gawin sa kanya.

img-thing

Nga pala, may kapatid itong si Nadia e. Eto naman si “Nakia”…

juicy2143912867

O di ba? Ang gaganda nila… At ang pinakatype ko talaga sa lahat subalit, ngunit, dapatwat, ay saksakan naman ng mahal… ay itong suot na sapatos ng babaitang ito. Giuseppe Zanotti open-toe booties naman sya. Pero kayamanan na sa ‘Pinas ang presyo nya, $999. Kaya ang sabi ko, Hmp! Papangit ka din. Hahaha!

kkk

Hay naku, puro ligaw-tingin lang ang kaya atikhain ngaun. Saka ko na kakaririn ng hustong ang pagbili ng jupatos at baka hiwalayan na ako ng asawa ko kabibili. O sya, tatah!

Shoes

Post a Comment

Spam Protection by WP-SpamFree