Hot for the Open, Not for ‘My’ ManPosted on August 29th, 2009 @ 12:32 am
Ewwwness! Have you guys seen this recent pixies of “my” man (yah, sa panaginip) Andy Roddick? Grabeee, ang receding hairline, at kumakaway kaway!

(photo courtesy of Usmagazine.com)
I guess isisi dapat yan sa lagi niang pagsusuot ng cap while playing tapos may-i drip ang kanyang pawis all the time. Pero in fairness, suotan mo ulet ng sumbalilo ang lolo e super-yummy pa din yan!
Excited na ulet ako for the US Open this year. Sa monday na ang opening at salamat sa DirecTV, makakapanood ako through DVR. Although I have high hopes na manalo etong si papa Roddick, e siguradong malu-Luz Valdez na naman sya over R-Fedz. Boo! Pero wag ka, cool na cool maglaro. Parang walang kahirap hirap. Swabeng swabe tlaga. Feeling tennis god. Sabagay, maswerte tlga sya lately. Aba, ikaw na! Kakapakasal lang early spring then twins ang naging junakis sa di naman kagandang jowa at na-beat pa nia ang record ni Pete Sampras sa dami ng napanalunang Grand Slam (15-14), e di dinaig pa nia si Leonardo Di Caprio as Jack at may-i scream ng “I’m the King of the World”. Literally, kung tennis world ang pinaguusapan. Pero in fairness, magaling naman talaga tong si Biloy (ganda ng dimples niang si Federer e pati ang kanyang mga matang akala mo’y laging nakikipagusap, naksss). At super kahit anung pabale-balentong pa ang gawin ni Roddick, mahabol lang ang tira nia, e parang lagi pa ring kulang. Naaawa na nga ako minsan pero talagang ganyan. Lagi ko na lang iniisip, there will always be that ONE TIME! Sana lang e dumating na yung time na yun dahil baka uugod ugod na ako e hindi man lang nia natalo etong si Federer.
Anyway, here are my Madam Auring predictions. Feeling ko magcha-champion alin man sa William’s sister unless biglang bumangon at durugin ni Maria Sharapova ang mga itimus, ayyyy! Waging wagi ang lola mo. Pero we’ll see. Jusko, e mukang halimaw sa court ang mga itim lalo na tong si Serena. Hitang hita pa lang, matatakot ka e di lalo na kung pano humataw ng forehand. Imaginin mo pa ang mala-leyong pagsigaw habang pumapalo. Graaaaabe!
Pero wizz, wag kalimutan ang iba pang Russians. Hayup ding pumalo. At ang mga fezzz, hmmm. Ulam na, isama mo pa ang mga legs. Haha! Wag ding kalimutan, ang numero uno ngaun na Ostralyanang si Safina. Kahit mejo pipikon pikon un pag natatalo na at talaga naman sira ang laro, magaling din.
Sa mga boylets naman, si Federer pa rin nga ang nakikita kong magwawagi. *Hikab* *Hikab* Bago pa ba yan? Unless sympre, gamitan ni Fafa Rafa Nadal ng kanyang mahiwagang wedgie-remover left hand at maipanalo ang slam. Sympre, may-i pray pa din ako sa lahat ng pedeng pagdasalan na sana e si Roddick para din ang manalo. Kung hindi, ok na sakeng makita syang mag-serve with his butt wide on screen, yummy! Hahaha! At, oo nga pala, wag ismolin ang papasang papable na si Djokovic. E di ba, last year lang e winner ang lolo mo sa Aussie Open. Hmm. Lastly, sympre anjan din ang #2 seeded na si Murray. Hayy Murray! Murrayhin mo na lang ng Murrayhin ang kalaban para wagi ka na din. Hahaha! Korny! (Actually, Meh-ry ang pronounce nun, gusto ko lang magjoke)
Hay naku, that’s it! Ginutom na ako sa aking mga prediksyon. Jan muna kayo at ako’y sisilip muna sa aking bolang bilog at ng makita kung may malalamon. Tatah!
Comments
Sports
All Together Now!Posted on August 26th, 2009 @ 5:59 pm
Dahil naaaliw talaga ako sa gay lingo, naalala ko etong kantang to na isa sa mga spiels sa Bubble Gang one time. Ang title ng kanta, Bubuka Ang Bulaklak. So, all together now…
Bubukesh ang floweret
Jojosok ang reynabelz
Shoshorva ng chacha
Pajempot jempot fahVoom tiyayavush tiyayavush chenes
Voom tiyayavush tiyayavush CHENES!
Haha! kakaaliw! Minsan ako, naisip ko, kung naging bading siguro ako lalo na akong tumalandi. E un nga lang babae ako ang dami ko ng kakirahang nalalaman (PG-rated to mga bakla! Wag ng umapila. Mahirap na.).
Heniwey, nakakatuwa kase ang mga bading. Parang they’re sooooo happy all the time. Kaya siguro rainbow ang kanilang color kse sila ang magandang halimbawa na ang buhay ay puno pa rin ng kulay. Chosera! Haha. But kidding aside, I really admire most of them. Lalo na ung may respeto sa sarili, may paninindigan at di lang puro kaartehan ang alam. Aba, sa dami atang sikat na bading sa Pinas at sa mundo, bukas makalawa, ang presidente natin bading na din. Ayyyy! Bongga! Mapapalitan ni Rainbow Bright ang ating national hero. Hahaha! Just kidding. Wala pong halong pambabalahura un. Ako nama’y nagwiwishful thinking lang minsan.
O sya, kanta ulet…
Comments
Life